Chapter 1: Ang Artista kong Mahal
4:27 AM
KATATAPOS lang ni Manding mag-take ng exam. At ngayon, naglalakad sya
sa kalsada. Paano eh, walang syang pamasahe ng jeep. Naiinis sya dahil
sa kawalan ng pera. Mahirap lang kasi sila. Bukod sa pinarurusahan ang
kanyang mga paa eh mukhang mamalasin pa yata ang score nya sa exam.
"Math! Math! Math! Nakakainis ka!" sigaw nya na parang may sayad sa
ulo. Nahirapan kasi sya doon sa Math na t-in-ake nya. Wala syang
pakialam sa mga reaksyon ng mga tao sa paligid ukol sa kanyang
inaasal kahit mukha na syang baliw.
May nakita syang lata ng softdrinks. Sinipa nya iyon at tumama sa
sasakyang nakaparada sa harap ng isang establishimento upang mabawasan
ang kinikimkim na inis. 'Bakit ba kasi ang malas-malas mo Mandi?',
anang kanyang isip sa sarili habang tinatanaw ang langit. Parang syang
naghihintay na pagbuksan nito upang tuparin ang kanyang mga pangarap.
Biglang kumulog at umulan. Natamaan ang kanyang mukha ng patak mula sa
langit. 'Isa nanamang kamalasan. Wala akong dalang payong.' Sa halip
na madagdagan nanaman ang kanyang inis ay in-enjoy nalang nya ang tila
ng ulan kahit na mabasa pa ang buo nyang katawan.
Basang-basa na sya. Pero hindi iyon naging dahilan upang hindi nya
ipagpatuloy ang paglalakad. Wala syang kahit isang sentemo para
ipambayad sa jeepney. Ibinaling nya ang kanyang paningin sa kanyang
mga yapak.
NAPAHINTO si Mandi nang nakita ang mga taong tila nanonood ng isang
eksena. Takang-taka sya. She was in stationary to hear the unclear
conversations acquiring her ears.
"Wala na ba akong pag-asa, Janine?" Narinig nya ang sigaw na iyon ng
isang lalaki. She realized that that voice of a man was in
heartbroken.
"Sagutin mo ako, Janine," isang sigaw na naman.
"Grabe ha! At dito pa sila gumawa ng eksena. Di ba nila nakikitang
pinagtitinginan at pinalilibutan sila ng lahat ng tao?" mahinang
aniya. Ang pagiging tsismosa nya ang tumulak sa kanyang subukang
makisingit sa mga taong nakikiisyoso doon sa eksena ng magsyota.
"Manong, excuse me po," aniya habang nakikisingit sa napakaraming tao.
Nais nyang mauna upang mapanood ito ng malinaw.
"Hindi na kita mahal, Jiro," anang babae doon sa lalaking kaharap nya,
"And you have to accept the fact that I just used you!" pagkatapos ay
tumalikod ito.
Kitang-kita ni Mandi nang narating na nya ang unahan kung paano saktan
ng nagngangalang Janine ang boyfriend nitong sa pagkakarinig nya ay
nagngangalang Jiro.
"Janine, please," nagmamakaawang ani Jiro.
"Please?" mataray na ani Janine, "Jiro," diniinan nya ang pagkakasabi.
"I have my final decision. Break na tayo and it is irrevocable," ani
Janine at tinalikuran si Jiro.
Si Mandi naman ay parang naawa doon sa lalaki habang nakahalo sa mga
taong nakikiisyoso. Para syang nanonood ng teatro.
"Janine," pinuntahan ito ng lalaki at hinawakan sa braso bago pa
makapaglayo. Pero sa paglingon nito ay sampal ang kanyang sinalubong
sa mukha ng lalaki.
Kitang-kita at dinig na dinig ni Mandi ang paglagapak ng kamay ni
Janine sa mukha ni Jiro at iyon ay naging dahilan kung bakit gusto na
nyang makisali. Mag-aalsa sya. Wala syang paki-alam kung away
mag-syota iyon basta't ang gusto lang nya ay tratuhin ng di nya
kilalang Janine na iyon ng maayos ang nobyo nito. At isa pa,
napakaraming tao ang nanood sa kanila bagay na nakakahiya sa awra ng
dalawa.
"Hoy, nagngangalang, Janine!" matapang na sabi nya habang papunta kay
Janine. Sumugod sya ng walang kontemplasyon. "Ba't ganyan ka? Di mo ba
alam na pinagtitinginan kayo ng mga tao? Tingnan mo," itinuro nya ang
mga tao, "nakakahiya kayong dalawa. Paano pagmalaman to ng mga
magulang nyo? Paano pagmagkasakit kayo dahil umuulan?" di nya alam na
basang-basa din pala sya, "Paano kung pagbuhatan ka ng kamay nitong
nobyo mo? Babae ka lang, at dapat alam mo yung limitasyon ng bunganga
mo." Wala syang ka-preno preno.
"Cut!" isang sigaw ang kanyang narinig. Pero hindi sya lumingon.
"Ah, Kat pala ang pangalan mo? And you have said lately that you are
Janine?" maangas na sabi nya. "Di ka lang suplada, napakasinungaling
mo pa."
Nilingon nya ang lalaki. "At ikaw, Jiro. Napakahina mong lalaki.
Napakahina mo. Maraming babae dyan mas maganda pa sa Janine na to, mas
mabait at, ah basta" aniya nang wala nang mahanap na adjective.
"Awatin nyo!" may narinig syang isang sigaw. Kasunod noon ang paglapit
sa kanya ng dalawang lalaking nakaitim. "Wag nyo akong awatin! At sino
kayong dalawa? Wag nyo---" napahinto sya sa pagsasalita nang nakita
ang cameraman na tumatawa. Huminto sya sa pagpupumiglas.
"Cut?" ngayon lang nag-process sa kanyang isip kung ano 'cut' na
kanyang narinig kanina. "Oh my ghosh" mahinang sabi nya.
"Manong, nasa taping ba kayo?" tanong nya sa taong umaawat sa kanya.
"Yes miss, nasa taping po kami," sabi ni Jiro.
"Taping?"
Walang ka-alam-alam si Mandi na nanghimasok na pala sya sa isang
taping. Hindi nya alam na mga artista ang kanyang kaharap at ang ulan
na tumitila ay bahagi ng pala ng taping.
Parang madudurog sya sa mga matang nakatutok sa kanyang sarili. Hindi
sya makagalaw. Hiyang-hiya sya. Tumahimik ang lahat.
Hinarap nya ang direktor at makailang ulit na humingi ng patawad.
"Patawad po, Sir. Patawad po talaga." Nag-vow sya ng makailang ulit.
Hinarap nya ang dalawang artista. "Patawad po Mr. Jiro. Patawad po Ms.
Janine. Mauna na po ako."
'Kakahiya ka talaga, Mandi! Ano ba yan,' sisi nya sa sarili.
Hinay-hinay syang tumakbo papalayo na parang isang yelong iniihaw.
Author: Bitin? If you want me to continue this novel, text me at
09073126805. Thanks! :)

0 comments