Chapter 2: The Accident

5:31 AM

"MANDI, MANDI, MANDI..." makailang ulit na nyang kinatok ang ulo dahil
sa gulong nagawa. "Bakit pa kasi nagpaka-Superwoman ka doon sa di mo
inakalang isang taping pala?". She was like crazy, basa at nanghihina
na. "Wala manlang ni isang taong tumulong, nagsabi o... nagpaalam na,
oy Miss, nasa taping po tayo. Wala! Wala!" nagkibit balikat sya habang
sinabi ang wala. "Mga anak sila ni Janice! Grrr." Ang mga lumalabas na
sa kanyang bunganga nya ay tila wala nang koneksyon.
Umupo sya sa bench at doon ay nakita nya ang latang kanina ay sinipa
nya ng malakas. 90 degrees mula sa sarili at lata ay naroon ang isang
mamahaling sasakyan na natamaan ng lata kanina.
Mula sa kanyang kinauupuan ay nakita nya si Jiro, ang lalaking nandoon
sa taping. Ang she had full of skepticism why that man was there.
Nagbukas ito ng kotse at pumasok, yun yung kotseng nagasgasan ng lata.
Mandi was just observing the guy. Kitang-kita nya na bubuhayin nya
sana ang manibela ng sasakyan pero bigla itong napahinto nang may
napansing gasgas sa wind shield. Lumabas ito at palakas na isinara ang
sasakyan.
'Anong problema nito?' masungit na anang kanyang isip. Para syang walang alam.
Biglang nagsitayuan ang balahibo nya sa takot nang lalapit si Jiro sa
kanya. Ngayon ay alam na nya kung bakit ano ang dahilan ang paglabas
nito at ang galit na humugis sa mukha nito. Nanlamig sya. "Lumalapit
sya, Mandi. Ano na ang gagawin mo? Tunawin mo ang hiya mo. Okay lang
'yan. Kumalma ka. Wag kang umamin. Manalig ka. Oh, Maria napuno ka ng
grasya...," tarantang aniya sa sarili. Natakot sya na baka ano ang
gagawin sa kanya ng lalaki.
Sa kabila ng iniisip ni Manding lalapitan sya nito ay kinuha lang pala
nito ang lata ng softdrinks na yupi na few meters from her.
"Grrrr," tinapon nya ang lata sa kalsada at makailang-ulit na galit na
inapakan. Naging flat ang lata.
"Oh my ghosh-gas, nagasgasan ko kotse nya. Paano pagmalaman nyang ako
yung sumipa nun? Magiging flat din kaya kagaya ng latang yun ang mukha
ko? Nge (O-.-O)," mahinang sabi nya.
Nagi-guilty sya. Paano eh sya yung taong sumipa nung lata na
nagpapagasgas sa wind shield ng sasakyan na di na akalaing
pagmamay-ari pala ni Jiro. Tumayo sya, paunti-unti. Lumakad,
paunti-unti. Humakbang, hinay-hinay. Yun ay para itakas ang kanyang
sarili mula sa kasalanang di sinasadya. Tuloy-tuloy ang kanyang
hinay-hinay na paglalakad. Daig nya pa ang lakad-langgam sa walang
kaingay-ingay na hakbang. Kailangan nyang tumakas. Mahirap na.
"Hoy, Miss," biglang sabi ng lalaki.
Enggggk. (O__..__O) Naging estatwa sya at awtomatikong lumingon sa
lalaki. "Yes, Sir? Ano po yun?" parang kenkoy na sabi nya.
"May nakita ka bang taong sumipa man lang ng latang to? O gumasgas
dito sa kotse ko?" anito. Hindi pala sya ang kinausap nito dahil
nakatalikod ito sa kanya habang pinagtatanungan ang babaeng napadaan
lang doon.
Di nya sinayang ang pagkakataon. Ang kaninang napakabagal, ngayon ay
parang dadaigin nya pa si Lydia de Vega. Kumaripas sya sa pagtakbo.
Pero nahagip parin sya ng mga paningin ni Jiro sa paglingon nito.
Hinabol sya nito.
"Tulong! Tulong! Tulong! Rapist, Whaaaaa (''O'') " sigaw nya.
"Hoy Miss, huminto ka? Wala akong masamang gagawin sayo" sigaw ni Jiro
habang hinahabol sya.
Huminto sya.
Huminto din si Jiro.
Humarap sya rito. "Takboooo!" sigaw nya nang hubarin ang heels dinala
nalang ito habang nasa animo'y marathon.
"Hoy, Miss, may importante lang akong sabihin sayo, hoy!" hinihingal
na sigaw nito.
"Ikaw yung may kasalanan, bakit ba kasi doon mo nilagay," lumanghap ng
hangin, "Yung kotse mo".
"Hindi ako galit sayo. Gusto ko lang mag-sorry sa---"
"Beep..." pagkatapos ng mahabang bosenang iyon lagapak ang kanyang narinig.
Huminto sya at lumingon sa humahabol sa kanya.
"Jiro?" hindi maguhit ang naging reaksyon nya. (O,O) Kitang-kita nya
kung paano hagipin si Jiro ng trailer truck. Walang syang nagawa kundi
mapasigaw nalang na "Jiro.....".

You Might Also Like

0 comments