Pabor ka ba na itatag ulit ang base militar ng Amerika sa bansa?
3:42 PM
Ano nga ba ang naging dahilan ng pag-alis ng mga sundalong
puti sa Olongapo ilang taon na ang nakalipas? Ito ba ay dahil upang iligtas ang
mga kababaihang nakikipaglaro sa apoy kasama ang mga sundalong bumaboy sa mga
bayarang Pinay noon? Kung ating babalikan ang nakalipas, isang bangungot na
hindi na mabura sa aking isip ang naging estado ng mga Pinay noon na pawang
naging mga Magdalenang mababa ang lipad.
Ngayon at malaki na rin ang tensyong kinasasangkutan ng
Pilipinas, kasama rito ang isyu ukol sa agawan ng Baso de Masinloc o
Scarborough Shoal na tunay ngang pag-aari ng Pilipinas batay sa Presidential Decree
1596 ni Pangulong Ferdinand Marcos noong June 11, 1978 at pagkapatay ng isang
mangingisdang Taiwanese nang mabaril ng isa coast guard, dapat na tayong
mabahala. Kaugnay rito, isinaulat ng isang Chinese media kamakailan lamang na
magkakaroon daw ang bansang Tsina ng 'counterstrike' sa Pinas upang ipaglaban
ang Scarborough Shoal laban sa atin.
Ang bansang Tsina ay tinaguriang 'The Sleeping Giant', isang
depiksyon ng pagiging makapangyarihan nilang durugin ang anomang bansang kakalaban
sa kanila. Kaya nga, tayo ay nanganganib sapagkat wala tayong sapat na
kagamitang militar upang ipagtanggol ang ating bayan kung mangyari man.
Kailangan nating ng tulong ng Amerika. Kailangan natin sila
sa pagprotekta sa ating bayang lubos ngang hindi parin masasabing independente.
Pero sa pagpasok ng mga Amerikano sa bansa, dapat muna nating tukuyin kung
saang lugar sila mamamalagi. Malapit ba ito sa mamamayang Pinoy? May sapat na
trabaho ba ang mga tao sa lugar na ito? Sinasabi ko ito bagkus baka madungisan
na naman ang mga budhi ng mga kababaihang gagawing pagkaperahan ang dagliang
kaligayahang iaalok sa kanila ng mga puti. Bigyan muna ng sapat na trabaho ang
mga Pinay, ang mga taong naroron sa kalalagyan ng base, upang lubos ngang
pagprotekta lang sa Pinas ang gagampanan ng mga kano at hindi ang protitusyong matagal
nang problema ng lipunan.
0 comments