Chapter 3: His Repatriation

3:16 PM


'LIFE? Anong silbi nito sa buhay ko? Why these are happening? Lahat na
yata ng problema ay kaakibat ng buhay na ito. I am a smart student
with honors during high school despite of financial scantiness, pero
ngayon ay nalubog ako sa pagiging waitress dito sa club. Nahinto ang
pag-aaral ko sa kolehiyo dahil sa pangyayaring iyon, 2 taon na ang
nakalipas. Nasagasaan si Mark Lougan, the true name of Jiro. Isang
artista ng pinakamalaking station sa bansa. He is stupid. Bakit nya
ako nilaglag? Saying that I am the reason why he was bumped. Ako ang
pinagbuntunan ng galit ng mga fans nya. Pati narin ng pamilya ng
driver na nakabangga sa kanya dahil nakulong ito. Kailangan kong
magtrabaho dito sa club, kasi kapag nasa-department store naman ako eh
kilalang kilala ako ng mga customer na ako yung kasama ni Mark during
the accident. Magagalit sila,' anang isip ni Mandi.

"Miss, dalawang beer pa nga," ani ng lalaking doon sa ikalawang
lamesa. Lasing na sila, pero sanay na si Mandi sa mga bagay na iyon.

"Yes, Sir. Pakihintay lang po, Sir. Saglit lang po," sagot nya rito.

Pasado alas 8:00am na. Kumuha sya ng beer sa loob. Pero napahinto sya
nang biglang nag-breaking news sa TV.

"Matapos ang dalawang taong pamamalagi at pagpapagaling sa states ay
dumating narin sa wakas si Mark Lougan. Lulan sya ng eroplanong
dumating kaninang 7:45pm sa NAIA air port," ani ng reporter sa TV.

Nangilid ang luha ni Mandi dahil balita.

"Pagkatapos ng dalawang taon nang nagsimulang nasira ang buhay ko,"
aniya na naiiyak. Pinatay nya ang TV bago pa nag-flash ang mukha ng
lalaki. Ayaw nyang balikan ang kahapon. Kapaitan ng kahapong hindi na
mapapatamis ng kailanman.

"Miss, yung beer namin," yung mamang umorder.

"Nariyan na po, Sir," agad nyang pinunasan ang mukha saka dinala ang beer doon.

PAGBABANG PAGBABA ni Mark ay nakahinga na rin sya ng maluwag.
"Sa wakas ay mababalikan ko na sya," aniya sa sarili. Hindi sya
nagpakita sa mga fans nya sa di malamang dahilan.

Umiba sila ng dinaanan upang maiwasan ang mga fans nyang naghihintay
sa labas. Lumabas sila, kasama ng kanyang mga guards, sa airport na
sakay ang itim na kotse. Di manlang nagpakita ng mukha ang lalaki.
Parang takot ito sa magiging reaksyon ng tao sa mukha nya.

"HOY, girl, mauna ka na. Ako na dito. Alam na alam kong pagod ka na at
birthday pa ng nanay mo. Umuwi ka na, mag-aalas nwebe na. Kailangang
makasama mo ang nanay mo ngayon lalo na't espesyal ang kaarawan nya,"
ani ng baklang manager ng club.

"Oo nga, Maj, eh. Yun rin sana yung hihingin kong pabor sayo," aniya rito.

"Oh sige," may inabot itong basket, "Dalhin mo na ito upang masorpresa
mo naman ang nanay mo."

"Maj, naman. Nag-alala ka pa," aniya.

"Harujusko. Sige na, layas na. Baka mamaya ay mapanis pa yang laman nyan."

"Maj, talaga oh. Oo nga pala, salamat ha? Sige mauna na ako, Maj.
Thank you, thank you, talaga ha?" aniya saka umalis.

ILANG taon ding hindi nakauwi si Mark ng Pilipinas. At ngayong
nakabalik na sya ay hahanapin nya ang taong sumigaw sa kanya sa
pangalang Jiro bago nawalan ng malay sa isang aksidente. Binabaybay
nila ang kalsada patungong rest house. Nauuna ang sasakyang lulan nya
at nakasunod sa likuran nila ang lima pang escort vehicles.

'Think how many years had passed when I had my greatest smile. The
smile which I never expected to come in the middle of our taping. I
will find you, the unknown person that is the reason why I came back
here in the Philippines,' anang isip ni Mark.

'Nagasgasan man ng isang aksidente ang career ko, alam kong there is
the best thing to come more that I have in past.'

You Might Also Like

0 comments